Ang people pleaser ay taong nahihirapang biguin ang iba. Pumapayag kahit gusto talagang tumanggi, pumupuri kahit hindi nagustuhan, at nananahimik kahit hindi sang-ayon. Sa paningin ng iba, mabait at madaling pakisamahan ang taong ito, pero sa loob-loob niya, madalas naiipon ang pagod at inis sa sarili.
Maraming paraan ng pagpapasaya sa iba. May gustong iligtas ang lahat, may umiiwas sa alitan anuman ang mangyari, at may nakikisabay sa opinyon ng iba para magustuhan. Mayroon din namang marunong nang magtakda ng boundaries—at makikita rin nila ang sarili nila sa test na ito.
Sagutin batay sa karaniwan mong ginagawa, hindi sa tingin mong tamang sagot. Kung hindi pa nangyari sa iyo ang sitwasyon, piliin ang sagot na pinakamalapit sa pakiramdam mo.
Test ito para sa aliwan tungkol sa mga gawi at katangian, hindi isang psychological assessment.








